
Hindi sa lahat ng pagkakataon lagi kang nasa tuktok.
Marami sa mga Pilipino ngayon ang nagsasabing kaya daw natalo si Pacquiao ay dahil sa kanyang “new found religion” … Born Again Christian. Gaya nga ng sabi ng kapitbahay namin, alam na daw niyang talo si Manny dahil nag-born again na siya.
In the first place, what is the connection between RELIGION and BOXING? Kapag ba naging ganito ka eh talo ka na kaagad sa boxing. In this statement, we are just proving na napaka-mangmang ng mga tao. Anong kinalaman nun sa pagkatalo ni Manny? Bakit kailangan sisihin yung mga pastor sa pagkatalo niya? Yung mga pastor ba ang lumaban sa ring at pinataob ang pambansang kamao? At ang huli, pinabayaan ba ni Lord si Pacquiao sa laban niya?
Lahat naman ng tao sa mundo eh nakakaranas ng failure sa buhay. Walang exception dito. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay hawak ng isang tao ang tadhana at hindi rin niya kayang manipulahin ito. Yung mga Pilipino kasi ay nasa indenial stage pa ngayon. Kung sino-sino na lang ang itinuturo. Actually, nothing would ever change kahit mag-accuse pa tayo.
Hindi ba’t mas masaya kung magpasalamat na lang tayo kay Lord dahil walang nangyari kay Pacquiao. We should always seek the positive side in every struggles we face. Be optimistic Filipinos.
At ngayon ay Christian na sya, mas madali niyang matanggap ang kanyang pagkatalo. May itinuturo at ipanararanas lamang ang Panginoon sa kanya. Ikaw ba kapag nakaranas ka ng kabiguan sa buhay, maaalala mo pa ba ang Panginoon? Magagawa mo pa bang magpasalamat sa kanya?
Bilang isang Pinoy, saludo ako kay Pacman. Nakaka-proud sya =))
NOTES:
-
aunicety reblogged this from screamoutyourfaith
-
aunicety likes this
-
unforgiveableyouth reblogged this from screamoutyourfaith
-
adikmucho likes this
-
imanillus10n reblogged this from screamoutyourfaith
-
nrcsoe reblogged this from screamoutyourfaith
-
savedandblessed likes this
-
screamoutyourfaith posted this

